Alamat ng Paru-Paro

Alamat ng Paru-paro

Noong unang panahon,sa isang mapayapang baryo ay may isang matandang babae ang may malawak na hardin.Napakabait nya at mapag bigay sa kanyang mga ka nayon,kaya't siya'y mahal na mahal nila.Napakadami nyang mga magaganda at makukulay na mga bulaklak.Napaka mapagbigay din nya,kapag may pupunta sa kanila ay hindi sya magdadalawang isip na bigyan ito ng bulaklak,ang mga bulaklak naman na ibinibigay nya sa kanyang mga kanayon ay siya itong ilalagay sa altar sa may simbahan.Halos lahat ng tao doon ay nagtutulungan,hanggang makalipas ang isang araw.

May mag-asawang amparo na dayuhan ang tumira sa kanilang bayan.Ngunit ito ang magiging sanhi ng kahirapan.Tamad ang mag-asawa at humihigi lang sa kanilang mga kapit-bahay.Kapag kailangan nila ng makakain ay agad silang kakatok sa pintuan at manghihingi na lang.Hanngang sa nasanay ang mga mag asawang amparo,na humingi at huwag nang magtrabaho.Ang mga tao ay galit na galit na sakanila at hindi naman nila ito mapaalis.Hanggang isang araw,pumunta ang mag asawang amparo sa bahay ng matandang babae at nanghingi ng magandang bulaklak,at agad naman itong binigyan ng matanda.Makalipas ang ilang araw,nalaman ng matanda na ipinagbebenta ng mag asawang amparo ang mga bulaklak na ibinigay nya sa sobrang laking halaga.Agad na nalungkot ang matanda .

Makalipas ang isang araw ay pumunta ulit ang mag asawang amparo sa bahay ng matanda para manghingi ng bulaklak.Nalungkot ang matanda dahil sa ginawa ng mag asawa kaya hindi nya ito pinayagan na kumuha ng bulaklak sa kanyang hardin.Agad umalis ang mag asawa ng may galit sa matanda.Naisip ng mag-asawa na nakawin ang mga bulaklak ng matanda,mamayang gabi at sumangayon silang parehas,Ng mag gabi na at tulog na ang matanda,ay pumunta sa hardin ng matanda at mag asawa at namitas ng mga iba't-ibang klase at magagandang bulak-lak.Ngunit,biglang nagising ang matanda,agad-agad na lumabas ang matanda at galit na galit.Pinagsabihan na nya ang mag asawang amparo,ngunit tuloy-tuloy lang sila sa pagpitas ng mga bulaklak.Sa sobrang galit ng matanda ay pumasok sya sa loob ng kanyang bahay,at mga ilang segundo bigla syang lumabas at naging isang magandang diwata.Nagulat ang mag asawa,agad silang tumakbo,ngunit sinabi ng diwata na,magaganda lang na bulaklak ang pinipitas nyo,ngaun kau ay magiging isang magandang insekto,pero hinding hindi nyo na makukuha ang mga bulaklak ko.Maya maya ay bigalang naglaho ang mag asawang amparo,at ito ay naging isang magandang insekto na nakapaligid sa mga magagandang bulaklak.

Mula nood hindi na nakita ng kanyang mga ka nayon ang mag asawang amparo at nagtaka ang mga ito sa isang magandang insekto.Dahil parehas lang ng disenyo ng magkabilang pakpak nito,at naalala ng mga kanayon nya ang mag asawang amparo,ito ay tinawag na paru-paro.  
Ang gintong aral ay kailangan mong maging masipag upang hindi ka maging pabigat.
At dyan nagtatapos ang maikling alamat.
     
Alam mobang hindi nakikita ng mga paru-paro ang kanilang sariling mga pakpak.Kaya wla silang ideya kung gaano sila kaganda.Marahil ikaw ay isang paru-paro,ikaw ay isang kahanga-hangang tao.Hindi molang nakikita.

                                                                                                           

Comments

Post a Comment